Photo from ibtimes.com |
Habang bumoboto ay hindi maalis sa isip ko na Asian din naman sila kailan kaya ang Pinoy? Hindi siguro din maalis sa akin magtanong dahil ako ay isang Pilipino. Ang dugo ko, salita at kultura ay Pinoy. Kumbaga nasa genes ko ang Pinoy kaya siguro hindi ko maalis magtanong.
Naalala ko kung sabagay nanalo na rin naman noon ang Pinoy sa mga MTV Music awards tulad ni Regine Velasquez, Kyla, etc. Nanalo din si Sarah G. ng Global Sound para sa kanta nyang Kilometro. Ang Black Eyed Peas ay may Pinoy na member si Apl.de.Ap at nanalo na rin ng maraming awards.
Sa mga singing contests na American idol, The Voice, Britain Got talent, etc ay may mga Pinoy na magagaling kumanta tulad ni Jasmine Trias, Jessica Sanchez at Marlisa. Madami na rin nanalo sa World Championship of Performing Arts (WCOPA) tulad nia Jed Madela at 4th Impact.
Pero ang nais ko sana ay yung parang sa BTS. Korean ang language ng mga kanta although may English language naman na mga parte. Nag coconform ang ibang nationality sa language at culture nila.
Sa kanila may Korean at English language sa isang song ok lang. Yung fans nga internationally ay nag kokorean sinasaulo ang songs nila. Minsan ba sa atin kapag Taglish ang song ay nababaduyan tayo? Magkaka roon kaya ng time na kapag nagconcert an Pinoy abroad ay kahit hindi sila Pinoy ay sasauluhin ang lyrics na Tagalog.
Nung nagconcert noon ang kpop group na Exo kinanta nga nila ang Hawak Kamay ni Yeng Constantino sa Tagalog.
Kung ma nominate man ang Pinoy sa ganitong category ay mukhang mananalo naman. Agree ba kayo? Kasi mahilig tayo sa social media. Kapag nga diba Miss Universe or pageants bumuboto tayo. Araw araw ay mayroon ata taying hashtag na trending worldwide. Naalala ko din ang times na ang loveteams ay gabi gabi may trending na hashtags.
Kailangan ba natin gayahin ang sa kpop na may groups na sing, dance, self-composition, facial expressions, fashion at makeup all in one? Maganda naman boses natin, ok naman ang fashion at makeup. Magagaling din naman kumanta at sumayaw. Marunong naman mag compose yung ibang artists ng sarili nilang kanta like Ogie Alcasid. Pero parang kapag Pinas kasi mas accepted sa atin yung banda o kapag mabirit yung kanta. Observation ko lang naman.
Napag iiwanan nga ba ang OPM? Magaganda naman ang songs natin. Kulang ba sa pagka catchy para hindi sya i-on loop o patugtugin paulit ulit. O kulang sa funding para ipa-play sa radio stations o promotions? Kailangan ba natin mag convert na sa puro EDM?
Naalala ko yung kanta na Anak ni Freddie Aguilar. Diba natranslate pa nga ito sa iba't ibang languages at kinanta pa nung One Korea Global Peace concert nung March. Andun din ako. Natuwa ako na ibang nationality ay kinakanta ang ilan sa mga songs na gawa ng Pinoy.
Anong meron ang song na yun at umabot sya sa ibang bansa? Dahil ba sa honest ang lyrics at tunog Pinoy talaga ang kanta?
Nung nag eere pa ang show na BoybandPh ay may nabasa akong tweet ng isang fan na sa Korea daw kasi talent muna ang hinahasa kaysa sa looks.
O mas ok ba sa masa o sa majority ng Pinoy ang Phil-Am na mga artista kaysa sa pure Filipinos o Pinay beauty? Pangit ba kapag pure Pinoy? Pangit ba tayo? Colonial mentality ba ang problema? Ang kpop ay global phenomenon na kailan kaya an OPM naman.
Sa concerts ay para sa akin mukhang mas maganda naman ang production numbers ng Pinoy. Mas madaming design ang stage at minsan may full orchestra pa para sa mga solo artists. Minsan may change in stage design pa, yung may mga umiikot ikot pa. May mash ups pa, medley, madaming back up dancers, etc.
Nung umattend ako ng MBC Showchampion in Manila last September ay nagulat ako sa stage na for me ay bare kasi LED lang at walng stage design. Ah ganun pala yun magagaling ang mga camera man at ine emphasize ang dance steps, makeup, facial expressions at fashion kaysa magfocus sa bongga na stage design.
Halos walang back up dancers. Yung mga solo lang ang may back up dancers ex. Psy nung One Korea Global Peace concert. Kumbaga ay ine emphasize ang mga trademark nila. Ano ba ang trademark ng Pinoy?
Pero appreciate ko ang mga ma eeffort na stage ng Pinoy. Ang mahal kaya at pinag hirapan talaga iset up. Pero may kpop artist din naman na ma effort sa stage design like Bigbang.
Nasa music distribution ba ang problema? Kailangan ba makipag team up sa malalaking music distibutors? Mahilig pa rin ba tayo sa hard case CDs instead na Spotify, itunes, o digital music na lang? Hindi ba magaganda o hindi creative o hindi modern ang music videos ng songs? Dahil ba mahilig tayo magdownload na lang ng free music? Oo kulang sa budget kasi yung basic needs nga na pagkain minsan ang hirap na igaod diba. Bakit naman yung kpop albums at ibang merchandise ino order pa nga ng mga kabataan mula Korea kahit mas mahal pa sila sa Pinoy albums. Mukhang pinag iipunan pa nila yun mula sa baon nila o nagpapart time jobs pa para makabili. (the feels)
O mas mahilig tayong Pinoy makinig ng American music at music na iba ang language? Sa playlist mo ilan ang Pinoy songs? (sa akin iilan lang din. so guilty din ako dito)
Naalala ko ang times nung college pa ako na halos araw araw kumakanta sa events ng student org. Naiinvite pa kami ng band namin sa ibang lugar. Ang pinaka malaking na include ako ay sa Davao sa CAP auditorium na ilang araw kami tumugtog sa thousands na audience. First time ko makasakay ng eroplano noon. Nakasakay ako dahil sa musika. Kapag may youth camps ay kino coach ang ilang band members ng practicals about preparation as part ng music team. Nung nagtatrabaho na ako sa hindi ko hometown ay naging active din ako sa banda na branch namin. Nagmementor din ako dun tulad ng song arrangement, delivery, etc. Minsan nagturo pa ako ng one on one voice lesson sa isang vocalista.
Sa totoo lang napaka galing Pinoy sa musika at pagkanta. Minsan nga nahihiya ako kumanta kasi alam ko may Pinoy na stranger na mas magaling kumanta kaysa sakin o sa ibang recording artists.
Bilang isang tao na na involve sa music o pagbabanda noon ay hindi siguro maalis sa akin ang mga tanong na ito.
Hindi ko alam kung saan magsisimula o kung ano ang root problem at hindi ko alam kung kailan magbabago at kung may dapat ba baguhin. Hindi ko alam kung paano baguhin. Mukhang may nasimulan na naman kasi diba nanalo na yun ibang Pinoy artists sa global awards hindi ko lang alam paano nga ba palalaguin pa.
Naisulat ko lang ito kasi para sa akin may talento naman ang Pinoy na sana makita lagi sa worldwide music awards. Yun lang.
No comments:
Post a Comment
Note: Only a member of this blog may post a comment.